June 28, 2007

sweet resurrection

half a decade of struggles to get "there"
and now, that "there" is finally "here"
i'm relieved, freed, overwhelmed- like a young poet
gazing at the sky, breathing fresh air, tasting every inch of it.

:
wounds are healed and turned into a beautiful scar
to remind me that i have survived and gone this far.
my sweet smiles are once again resurrected

prettier, wittier, stronger… i'm elevated!

:
now, i'm once again hungry for new knowledge and learnings
i'm thirsty to discover inspiration from simple little things.
to meet new interesting people that could touch my life
to explore, seek, find, and be somebody else's light.

:
i'm no longer afraid
to fall, stand up... to fall some more... and finally fly!

June 12, 2007

sana TAKE-OUT nalang

katatapos ko lang manood ng palabas sa dvd...
actually, di ko na tinapos.  sobrang mushy kasi ng storya..
alam ko rin naman ang ending. typical na boy-meets girl-happy-mushy-ending.

eh sila-sila lang naman ang kini-kilig dun.
eh bakit ba? wala ako sa mood para kiligin ngayon noh!

12:30 na pala ng madaling araw.
gusto kong kumain ng mid-night snack.. yung mainit sana na sopas.
so, umalis muna ako saglit ng bahay...

at tumungo ako mag-isa sa 24-hours open na pagkainan...at nag order.

"yes,  one congee... buchi...and brewed coffee please..."

dun ako umupo sa gitnang dulo.
habang hinihintay kong lumamig konti ang mainit na congee.


nahulog yung kutsara ko... kaya tumungo ako sa counter para humingi ng bago..at bumalik sa aking table.

buti pa 'tong kutsara... palaging may tinidor sa tabi.

napatingin ako sa aking harapan.
may isang ale na mag-isa rin. parang walang paki-alam sa mundo..
basta ang alam nya eh lasap na lasap sya sa kanyang pagkain.


buti pa yung siopao nya o... may partner na ketsup.

sa kaliwang table ko naman...  may magsing-irog...
na parang pinag-dikit ng glue ang upuan.
eto naman sila o... madaling araw na...

nagsusubuan pa ng kanilang order na noodles.

sinabayan pa talaga ng "it might be you" na music sa back ground.

waaaaaa!!! sabi ko nga wala ako sa mood para sa kilig-kilig na yan noh.
ang gusto ko lang ay kumain...  period.

kaya, tumingin nalang ako sa sarili kong mesa.
at nag umpisang kumain ng congee...habang nilalagyan ng iba pang sangkap na pampalasa.

buti pa 'tong toyo... may kasamang patis.
buti pa yung paminta sa gilid ng mesa... may katabing asin.

buti pa 'tong buchi ko... may partner na filling sa loob... kaya matamis.
buti pa 'tong kape ko... may creamer... kaya sakto ang lasa.


waaaaaa!!!! ano ba naman 'to... tigilan nyo ako ha....

so, tumingin nalang ako sa aking kanan... sa glass window.
napansin kong may isang pulang
langgam na nilalasap ang kanyang pagkain...

...na mag-isa.

...'yun ang akala ko.

maya-maya lang... may papalapit din na isang langgam.
nag beso-beso pa ang mga ito ng dumating...
at sabay na silang dalawa nagsalo sa pagkain.

:
sheeeeeet naman...

sana nag take-out nalang ako!!!! ^_^