July 24, 2005

parisukat at tatsulok

mga hugis na nagsisimbolo ng aking nararamdaman.



parisukat:
isang anyo na may apat na gilid na parehong sukat. square.
mga emosyong 'di ko maintindihan.
pilit na hinahanapan ng mga posibleng kasagutan,

ano? bakit?  sino? saan? kelan? paano?
nag-iiwan lang ito ng bagabag sa aking isipan.
na tulad ng isang parisukat.



tatsulok:
isang anyo na may tatlong linyang pinagdugtong. triangle.
parang bersyon ng isang dimensyon ng Egypt pyramid.
ngunit, kahit saang aspekto ko man tingnan,
mga gilid nito ay nakakatusok... sa aking marupok na puso.

masaya. malungkot. ako yata ay naliligaw.
ang naikagaganda lang, ang tatsulok kong ito ay matatag.
mga paa ay nagsisilbing suporta. ang tuktok nito ay nakaturo sa itaas.
na para bagang inaabot--- ang kalangitan... ang walang hanggan.



nakakapanibughong emosyon ko... parisukat at tatsulok.

July 4, 2005

Nakakabaliw!!!

i'm still stuck up in school dealing w/ complicated math problems.
Signals & Spectra gives me headache and heart aches (?)...
i can't  relate w/ this subject. it's pain in my ass. (w/ 'Mr.Automatic' prof- oh no!)
my 1st quiz was terrible!! (well, majority of us got low score)
(to think that we've just started,
how much more in midterms & finals???) huhu...
='(
....
kung nakaka-usap lang sana ang mga numero at magsabi                           
kung anong tamang sagot,eh 'di na sana sasakit ulo ko.
=(
ngunit, sadyang pipi ang mga numero...'di ko nalang pipilitin.
baka kung nagkataon, labas ko na ay baliw.

hayyy... o baka naman baliw na nga? haha! lol! ; )
(madaan na nga lang sa tawa!....) hehehe...